Ikaw Na
Verse 1
Umaga na naman
Panibagong araw na naman para umasa
Umaasa na ako'y bigyan mo ng prisensiya
Pero parang 'di kaya
Sige, bahala na
Mahigit isang taon na rin pala
Mula nung una kang makita, napahanga ako
Hindi na maalis sa isip ko ang ngalan mo
Oh, pare, delikado na 'to
Pre-Chorus
Ba't ganito?
Nakakabaliw na 'tong isipin
Nangangawit na ang aking panga sa kakangiti
'Di mo ba pansin na gusto kita?
Chorus
Ikaw na
Ikaw na ang gusto kong makasama
Sa dulo ng lungkot o ng ligaya
Para kang isang tala
Oh, mahirap makuha
Ikaw na at ikaw pa rin mula nu'ng umpisa
Verse 2
Sana magising ka na
Hindi 'to panaginip na kailangan mong magduda
Ako ang gustong makita pagmulat ng mata
Oh sana, totoo na talaga
Pre-Chorus
Ba't ka ganyan?
Nakakabaliw ka nang isipin
'Di na mapakali sa tuwa
Alam mo na bang gusto kita?
Uulitin ko
Chorus
Ikaw na
Ikaw na ang gusto kong makasama
Sa dulo ng lungkot o ng ligaya
Para kang isang tala
Oh, mahirap makuha
Ikaw na at ikaw pa rin mula nu'ng umpisa
Outro
Ikaw na
Ikaw lang ang nais kong makapiling, oh, tadhana
Tadhana na sana ako ang 'yong kasama
May pag-asa nga ba?
O aasa na lamang na?
Ikaw na sana kaso panaginip lang pala
Some videos may be incorrect, apologies if this is the case, we are improving so that this does not happen in the future.
See VideoclipNo comments, you can be the first